HUWAG MO SIYANG IIWAN SA HAPAG
Ikaw ba ito? Katulad ka rin ba niya?
Be honest.....
Bakit ba maraming nagmamadali? Pati pagmi-Misa - ang pinakadakila't walang kapantay na panalangin - gustong madaliin? Masama bang humaba nang kaunti ang Misa? Dapat ba talaga apatnapu't limang minuto lang, isang oras lang? Kalabisan ba talaga kung lumampas nang kaunti sa isang oras?
Gusto nating lahat na mamuhay sa langit nang walang-hanggan, hindi ba? Eh bakit nagmamadali ang ilan kung magsimba? .....At marami sa kanila, isang araw lang sa buong linggo magsimba...yun bang tingin pa nila isang obligasyon ang tinutupad nila...basta mabilis lang ha.
At meron din naman sa amin na napakabilis mag-Misa. Kalabisan ang lagyan ng mga sandali ng katahimikan sa pamumuno nila sa Misa. Patawarin po ninyo kami.
Ngunit ang pinakamasahol ay yung nagwa-walkout sa Misa. Iba't iba ang dahilan nila. Ayaw nila ang paring nagmi-Misa - 'yan, isang dahilan 'yan! Hindi nila talaga nauunawaan ang Misa. Pinatatawad po namin kayo.
MANATILI TAYO SA HAPAG NG PANGINOON HANGGANG WAKAS. HUWAG NATING IIWAN SI JESUS. HINDI NIYA TAYO INIWAN. +
0 Comments:
Post a Comment
<< Home